Hi Abi!
Seriously, gumanito ang mga mata ko nang nabasa ko ang tanong mo:
O_o
Paano ba ako magmahal? Hm. Sa totoo lang, hindi ko alam kung totoo ang isasagot ko, kasi maaring perception ko lang sa sarili ko ito at iba pala ako sa totoong buhay. (Kumbaga sa ad, iba ang labas ng execution ng isang idea. Hehe.) So, paano nga ba?
Minsan, pinapakinggan ko ang album ni Sean Lennon na Friendly Fires, tapos na-stuck ako sa kantang “On Again, Off Again” at bigla na lang ako natulala at naluha. Yes, naluha. Hindi iyak. Konti lang eh. =p At narealize ko, nai-explain ni Sean Lennon ang concept ko ng isang relationship, or at least, kung paano sa tingin ko ako magiging isang girlfriend (in the future).
“And just as the moon knows
It cannot always glow through every evening
Some days you will find me sleeping
Cause I’m on again and off again
I never told you I never will
Cause I’m on again and off again…”
Kapag narealize kong mahal ko ang isang tao, syempre, may certain affinity ako sa kanya. Operative term: certain. Yun ang clue ko sa sarili ko na seryoso na — kapag sinabi kong sigurado na ako. Kapag hindi na ako nagtanong. Anyways, kahit na may certain affinity ako, hindi ko ipapangakong consistent ako sa pagpaparamdam ng love. May mga araw na mafifeel mo na love kita, may mga araw na hindi kita mapapansin. Pero sa general sense, kapag mahal kita, kasama ka sa decision-making process ko. Iisipin ko rin ang ikasasaya’t ikalulungkot mo, ang future mo.
Sabi nila, tough love mode ako. Honest ako sa ‘yo. Sasabihin ko kung sa tingin ko, di okay. Sasabihin ko sa ‘yo kung ano’ng sa tingin kong makakabuti sa iyo. Na paminsan, parang pakialamera. Nakuha ko yata yun sa mga magulang ko. Ganoon nila ako minamahal eh.
Mahaba na ba? Basically ang currency ko sa love ay hindi time (dahil marami akong gustong gawin) kundi honesty and truth. ;-)
Pinakabaliw kong ginawa for love? Sadly, parang wala pa. Siguro ika-count ko na baliw na maniwala na someday may makikilala akong tao na sigurado akong gusto ko.
HABA NITO. Happy Valentines.